Taguan

“Tagu-taguan maliwanag ang buwan! Isa, Dalawa, Tatlo, Game?
Sila’y hinanap na, mga kalarong nagkukubli sa kung saang sulok ng eskinita. Ngunit sa aking pag-iikot ni isa’y di nakita. “Nasaan na kaya sila?”
Ako’y nagpalinga-linga ni isa sa kanila’y di nakita. Pakiwari ko’y sila’y umuwi na. Kung kaya’t ako’y sa bahay tumungo na.
Pag-uwi sa bahay agad nilapitan si Ina. Ngunit ako’y nangamba ng siya’y makitang may luha sa mga mata.
Bigla niyang tinawag aking ngalan. Kasabay ng paghikbi’t iyak na kay sakit sa pakiramdam. Larawan ko’y kanyang tangan-tangan. At bigla siyang sumigaw ng anak ba’t mo ako iniwan.
Ako’y nagitla sa sinabi ni Ina. Ako’y naririto’t hindi siya iniwan.
Kasabay ng paghikbi siya’y muling nagsalita. Sinabing ako’y nalunod sa baha kasama ng mga kalaro’t biglang nawala.
Biglang may kumatok sa aming bahay dala-dala ang kabaong at ang aking bangkay. Tunay ngang ako’y patay na dahil sa bahang dala ng Bagyong Yolanda kaya pala mga kaibigan ay din a nakita. Pinikit ko ang aking mga mata at muling nagbilang ng “Isa, Dalawa, Tatlo.” At sa pagdilat ko,ako na ay nasa ibang mundo kasama ang mga kaibigan ko.
...

Comments

Popular posts from this blog

Tell me a story, Karl: Lines that resonated in me from Gaya sa Pelikula

🌸 “Pinalaki Ako ng Daisy Siete” — Kaya Get Get Aw, Laban Laban!”

It’s the Twelfth of December, and I’m Twentish