Tatlong tuyong rosas

Una, nag-umpisa tayo sa simpleng titig sa mata.
Ngitian sa tuwing nagkikita,
Simpleng Hi at Hello lang, walang kamusta ka?
Hanggang natutong bumukang mag-isa ang mga labi nating dalawa,
"Kamusta?" Magkasabay nating binanggit.
Doon sa tapat ng puno ng mangga sa may kanto papunta sa tindahan ni Aling Nena,

Pangalawa, Mula sa kamustahan naging mas malalim ang ating usapan
Hanggang tinanong mo ako kung pwede bang maging tayo, may daladala kapag rosas binili yata kay Mang Mando,
Matamis na Oo ang isinagot ko.
Sa sobrang tuwa mo'y nilibre mo ko ng isaw,
Isaw na paborito ko, dahilan para maging paborito mo

Pangatlo, sing bilis ng kisap mata,
Bigla kang nagbago at iniwan ako Sinta,
Ngayong tuyo na ang mga rosas na regalo mo, Isasabay ko na rin ang luha ko,

Babalik tayo sa umpisa, sa Hi at Hello,
Walang kamusta.

Comments

Popular posts from this blog

Tell me a story, Karl: Lines that resonated in me from Gaya sa Pelikula

🌸 “Pinalaki Ako ng Daisy Siete” — Kaya Get Get Aw, Laban Laban!”

It’s the Twelfth of December, and I’m Twentish