SPG: Pitongpu't puting puta


Pitongpu't puting puta

Napadaan ulit kami sa kanto  
sakay nang kotse, mga ilang kilometro palang 
ang layo namin kitang-kita na ang kumpul
ng mga kababaihan,higit pitongpu sa tantya ko.
Kakatok na san sila sa bintana ko pero di na
sila nakapuwesto dahil sa nakakabinging 
busina nang sasakyan sa likod namin.

Ganito lagi sa eskinitang ito.
Maraming mga babae at binabae ang nagkakandaugaga
sa pagbebenta nang laman, mapa sa bata, matanda, pinoy man o turista.
Marahil ito na ang nakagisnan nila.
Madali nga namang kumita sa pagpapaligaya ng iba.

Ilang kilo na rin naman nang bigas ang maiuuwi mo.
Panlaman tiyan at pantawid gutom.
Pambayad nang ilaw, tubig at maging renta sa bahay
Ilang kahon na rin nang gatas at plastic
ng dyaper para ke Junjun
na hindi pa rin nabibinyagan
kulang pa kasi ang ipon,
tyaka wala pa ring tatayong ama 
para sakanya.

Pero minsan naisip ko
di kaya sila napapagod
magpaligaya ng iba
gamit ang katawang
lupaypay kakakayod?

Higit pitongpu sila sa tantya ko.
Babae at binabaeng binebenta ang laman
makaraos lang sa buhay
sa buhay na puno ng puta,
puta huwag na sanang madagdagan pa.


(Isang malikhaing katha hango sa mga kwento at karanasan sa Angeles City Perimeter Zone 2 o Blowjob Area)

Comments

Popular posts from this blog

Tell me a story, Karl: Lines that resonated in me from Gaya sa Pelikula

🌸 “Pinalaki Ako ng Daisy Siete” — Kaya Get Get Aw, Laban Laban!”

It’s the Twelfth of December, and I’m Twentish